Friday, January 21, 2011

Ang Haliparot na Higad at ang Poging Peacock

Minsan, para hindi ma-obvious ang kaeng-engan, ibibintang at ipapataw sa iba ang sisi. Madalas itong gawin ng mga taong tumatakas sa nakakahiyang katotohanan.

Sige, try din natin ang ka-echusan na yan sa blog na ito..

Nakakatuwang isipin na mga hayop ang ginawang tauhan sa mga kilalang kwento gaya ng Ang Kuneho at ang Pagong, Si Pilandok at ang Balingaw, Ang Langgam at ang Tipaklong at kung anik-anik pa. (Ang fable po ay pabula; children, dumaan ba kayo sa elementary? hihi.. Teka, bakit wala yatang tagalog fable na dinosaur ang bida? Dahil ba walang dinosaur na Pinoy?) Ginawa siguro ang mga pabula para hindi masyadong ma-obvious na mga tao actually ang may kakayanang gumawa ng mga kabulastugan.

Ang sabi sa isang hindi masyadong famous na pabula, "Dahan-dahang uminit ang tubig ng kaserola ngunit hindi ito alintana ng tangang palaka.. Akala nya ay normal lamang ang lahat hanggang uminit na nang uminit ang tubig.." Ewan ko kung naka-meet up nyo nung mga bagets pa kayo yang istorya ng palaka na yan pero ang ending ay na-deads sya kasi hindi na nya kinaya pa ang init at tuluyan na syang naluto.

Napaka-simple. Napaka-payak. Bakit hindi natin i-try ang isang pabula na may mas kahindik-hindik na istorya? Pwede naman siguro yun, diba?

Ganito daw kasi..

Noong isang linggo, nagkita-kita ang mga bagong magkakakilalang mga hayop sa ilalim ng isang naaagnas na na kahoy sa liblib na sulok ng rainforest sa Fairview. Naka-pustura ang mga magaganda at nagmamaganda, malamang ay dahil "kembot season" na naman kaya naglitawan ang kanilang magagarang mga kulay, pakpak, buntot at nguso! At sungay!

Naglandian sila. Nagliwaliw ang iba sa mas madidilim pang sulok, ang iba ay nagtago sa ilalim ng dahon ng saging, ang iba ay sa tabi ng mga kuliglig.

Lingid sa kaalaman ng lahat, may malanding hayop pala sa ating ma-chorvang pabula na ito. Hindi maunawaan ng mga kaibigan nilang hayop kumbakit hindi makita ni Poging Peacock na ang jowa nyang si Haliparot na Higad ay gapang ng gapang sa mga balahibo ng isa pang hayop -- si Malanding Manok. Nakita ni Laplaper Loro ang paggapang ng mga kamay ni Higad sa tagiliran ni Manok. Nakita rin ni Lamyerda Lamok ang masidhi at kalibog-libog na pagbubulungan ng dalawa. Nakita rin ni Yebah Unicorn at ni Echuserang Eel ang mga kaganapang hindi dapat naganap dahil alam nilang magjowa sina Higad at Peacock pero patuloy pa rin ang Higad sa paglamyerda, paglalandi, panunuyo at paggapang kay Manok.

Si Manok ay hindi tanga. Pero parang clueless yata sya. Baka tripper. (OMG! Oo May Ganun!)

Si Devil Dragon, ang bonggang pinuno ng himpilang iyon, ay hindi na nakapagtiis at biglang nagpasabog ng isang nakalalasong apoy! "Bukas na bukas, itatakwil mula sa kuponang ito ang isang makati pa sa gabi, isang mas haliparot pa sa maharot, isang mas malandi pa kay Jennylyn Mercado!"

"Ako ba ang tinutukoy mo?" ngiwi ni Higad.

"Anong nangyayari?" hilakbot na tanong ni Peacock.

Natulala ang kagubatan. Umikot si Dragon, iniumang ang mga nagngangalit na mga ngipin kay Higad at nag-trumpeta ng ganito, "Hindi pa ako nagbubuga ng napalm ay nasunog ka na kaagad!" Tumiklop ang mga balahibo ni Higad at natameme.

Nakangisi lamang si Peacock at parang walang ideya kung ano ang naganap. Nagwelga ang mga kahayupan. Sinabuyan nila ng mga maiinit na tingin si Higad ngunit wala itong bisa. Tuloy, nagsipag-uwian na lamang sila. The End.

Ano ang moral ng story?

Una. Huwag na huwag magpapahuli ng buhay.
Pangalawa. Ang higad ay sadyang makati, at mas magiging pokpok ito kapag naging butterfly na.
Pangatlo. Iba ang wagas na pag-ibig sa bobong pag-ibig.
Panghuli. Ikaw ang direktor ng sarili mong istorya; viewers lang ang mga friends mo. Ayusin mo mag-isa.

Basta ako, pag mainit na, aalis na ko sa kaserola. Ayoko maluto noh!

Photo credit > http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-snc4/hs335.snc4/41800_107224615983111_4880651_n.jpg

1 comment:

  1. hay nakakaloka tlga pag kati na ang pinag uusapan tsk tsk~ anyway ganyan tlga ang buhay wala ng CURE sa kati paulit ulit lang mangyyri yan~

    ReplyDelete