Friday, January 21, 2011

Ang Haliparot na Higad at ang Poging Peacock

Minsan, para hindi ma-obvious ang kaeng-engan, ibibintang at ipapataw sa iba ang sisi. Madalas itong gawin ng mga taong tumatakas sa nakakahiyang katotohanan.

Sige, try din natin ang ka-echusan na yan sa blog na ito..

Nakakatuwang isipin na mga hayop ang ginawang tauhan sa mga kilalang kwento gaya ng Ang Kuneho at ang Pagong, Si Pilandok at ang Balingaw, Ang Langgam at ang Tipaklong at kung anik-anik pa. (Ang fable po ay pabula; children, dumaan ba kayo sa elementary? hihi.. Teka, bakit wala yatang tagalog fable na dinosaur ang bida? Dahil ba walang dinosaur na Pinoy?) Ginawa siguro ang mga pabula para hindi masyadong ma-obvious na mga tao actually ang may kakayanang gumawa ng mga kabulastugan.

Ang sabi sa isang hindi masyadong famous na pabula, "Dahan-dahang uminit ang tubig ng kaserola ngunit hindi ito alintana ng tangang palaka.. Akala nya ay normal lamang ang lahat hanggang uminit na nang uminit ang tubig.." Ewan ko kung naka-meet up nyo nung mga bagets pa kayo yang istorya ng palaka na yan pero ang ending ay na-deads sya kasi hindi na nya kinaya pa ang init at tuluyan na syang naluto.

Napaka-simple. Napaka-payak. Bakit hindi natin i-try ang isang pabula na may mas kahindik-hindik na istorya? Pwede naman siguro yun, diba?

Ganito daw kasi..

Noong isang linggo, nagkita-kita ang mga bagong magkakakilalang mga hayop sa ilalim ng isang naaagnas na na kahoy sa liblib na sulok ng rainforest sa Fairview. Naka-pustura ang mga magaganda at nagmamaganda, malamang ay dahil "kembot season" na naman kaya naglitawan ang kanilang magagarang mga kulay, pakpak, buntot at nguso! At sungay!

Naglandian sila. Nagliwaliw ang iba sa mas madidilim pang sulok, ang iba ay nagtago sa ilalim ng dahon ng saging, ang iba ay sa tabi ng mga kuliglig.

Lingid sa kaalaman ng lahat, may malanding hayop pala sa ating ma-chorvang pabula na ito. Hindi maunawaan ng mga kaibigan nilang hayop kumbakit hindi makita ni Poging Peacock na ang jowa nyang si Haliparot na Higad ay gapang ng gapang sa mga balahibo ng isa pang hayop -- si Malanding Manok. Nakita ni Laplaper Loro ang paggapang ng mga kamay ni Higad sa tagiliran ni Manok. Nakita rin ni Lamyerda Lamok ang masidhi at kalibog-libog na pagbubulungan ng dalawa. Nakita rin ni Yebah Unicorn at ni Echuserang Eel ang mga kaganapang hindi dapat naganap dahil alam nilang magjowa sina Higad at Peacock pero patuloy pa rin ang Higad sa paglamyerda, paglalandi, panunuyo at paggapang kay Manok.

Si Manok ay hindi tanga. Pero parang clueless yata sya. Baka tripper. (OMG! Oo May Ganun!)

Si Devil Dragon, ang bonggang pinuno ng himpilang iyon, ay hindi na nakapagtiis at biglang nagpasabog ng isang nakalalasong apoy! "Bukas na bukas, itatakwil mula sa kuponang ito ang isang makati pa sa gabi, isang mas haliparot pa sa maharot, isang mas malandi pa kay Jennylyn Mercado!"

"Ako ba ang tinutukoy mo?" ngiwi ni Higad.

"Anong nangyayari?" hilakbot na tanong ni Peacock.

Natulala ang kagubatan. Umikot si Dragon, iniumang ang mga nagngangalit na mga ngipin kay Higad at nag-trumpeta ng ganito, "Hindi pa ako nagbubuga ng napalm ay nasunog ka na kaagad!" Tumiklop ang mga balahibo ni Higad at natameme.

Nakangisi lamang si Peacock at parang walang ideya kung ano ang naganap. Nagwelga ang mga kahayupan. Sinabuyan nila ng mga maiinit na tingin si Higad ngunit wala itong bisa. Tuloy, nagsipag-uwian na lamang sila. The End.

Ano ang moral ng story?

Una. Huwag na huwag magpapahuli ng buhay.
Pangalawa. Ang higad ay sadyang makati, at mas magiging pokpok ito kapag naging butterfly na.
Pangatlo. Iba ang wagas na pag-ibig sa bobong pag-ibig.
Panghuli. Ikaw ang direktor ng sarili mong istorya; viewers lang ang mga friends mo. Ayusin mo mag-isa.

Basta ako, pag mainit na, aalis na ko sa kaserola. Ayoko maluto noh!

Photo credit > http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-snc4/hs335.snc4/41800_107224615983111_4880651_n.jpg

Babae ka? Bakit ka Assumptionista??

Nakakainis talaga ang ibang mga eklaver na badinggerzi ngayon! Tinalo pa si Jojo Acuin sa pagka-sure sa kanilang mga hula ever!

Ok, bading ako, alam nyo na yun. Matagal na. Grade 2 pa lang ako alam ko nang hindi keppers ang bet kong kembutin. Pero kahit old-timer na ko sa paglandi ng mga lalakeh ay hindi ko pa rin talaga ma-purr-fect ang pag-amoy ng lansa ng mga bading, ng mga magiging-bading-soon, ng mga guy-now-gay-later (Pasok mga Zombadings!), ng mga athletic build straight-acting guys na sa totoong buhay ay muscular lang naman pala talaga (nagpupunta sa buhatan ng barbel para makakembot ng mga noycheese sa sauna), ng mga macho kuno kasi nag-ji-gym pero ang totoo nag-ji-gymnastics naman pala (Hello kuya, anung category mo? Ribbon or pummel horse?), ng mga amoy aparador kasi nagtago dun buong buhay nila, ng mga daddy-daddy ever, ng mga bagets na nanghihipo sa bus at MRT, at kung anik anik pa. Ang hirap na ngayong makahuli ng bading kasi napakarami nang sub-species.

Dati napaka-simple lang. Lalake. Babae. Bakla. Tomboy. Eh ngayon! Nakupow! (Ok. Iba-iba na din ang mga tibamshibels ngayon (tibams = obits = tomboys). At marami din yata silang uri.)

Eh anu naman kung plenty na ang kinds ever ng bading? OK nga yun eh. At least maraming pag-iisipan ang mga sociologist at kumpanu nila papangalan ang lahat ng mga yun. Yung sakin madali lang: ako yung hindi palaging obvious na bading pero bading na bading tudamax! PAKKK! At hindi ako yung tumatangging bading lalo na pag naiipit ng nag-uumpugang mga titi. PAKKK ulit!!

Andami kong sinabi diba?

Ang nakakainis ay yung mga asumerang mga beki na nagkalat sa mga online sites. Makakita lang ng mga gwapong artistang lalaking nagmo-model ng underwear ay bading na kagad! Pati na yung mga bading na nag-uusap sa kapihan ng mga malls na makakita lang ng lalaking pogi ay bading na kagad! (Wala na bang panget na mga bading ngayon? Dapat bang ang gusto nila ay yung mga gwapo at hot lang ang dapat na ma bading? Tapos kung titingnan mo ng mabuti, yung mga makumentong mga panget na yun ang mga tunay na bading na nauso nung 80's at early 90's. Mga shuwanget na mukhang mahirap na bading na never naman naka-harvest ng gwapong titi ever!) Leche!

Ok. Maraming bading na wartista ever! Napakarami. Pero that doesn't mean na bading na silang lahat. The same way na hindi lahat ng lalaking sexy sa pictures ay pachupa na kagad.

Ang sakin lang, igalang naman natin ang mga gumagawa ng lahat para lamang mapangalagaan ang kanilang image. Kung bading eh di bading. Kung straight naman pero mukhang bading eh anu naman pakelam mo dun? Kung bading talaga talaga pero hindi pa-obvious na bading eh anu namang pakelam mo dun diba?

Ang pakelaman natin ay yung titi na dumampi na sa'ting mga bunganga na akala natin ay titi ng straight pero ng bading pala! At (quoting dencio from DL), ilang tonsils na ba ang nabunggo ng noycheese mo? Yun ang bonggang pag-usapan!

Naaalala kong naniwala ako noon na ang pagmumukha ng bading ay isang larawan ng ngiti na walang pagkukunyari. Isang mukhang may paggalang pa rin sa kapwa anumang pambabastos ang matanggap nya mula sa iba. Ngayon, nagbago na yun. Bading na mismo ang gumagawa ng dahilan para kainisan sya ng iba. Ang nakakatawa, mismo mga bading din ang naiinis sa kapwa nila bading.

Nakakalungkot pero yun yun eh.


"Hindi na wonderful ang Mother Earth kung ang lahat ng bagay na nasa kanya ay napangalanan na. Nasaan na ang 'wonder' kung ang lahat ay may dahilan na."
 - Margaux Saneferio, Sociologist

Sunduin Ka Nawa Ng Mga Shokoy!

Inggitero ako. Hindi yun alam ng mga taong hindi ko pinapakelaman, at pag lumabas ang chika na naiinggit ako, talo ko pa si Ampatuan sa pagtanggi.

"Ew. Hindi lang yung mga chaka ang naiinggit noh! Tseehh!"


Pero maniwala ka man o hindi, yung inggit rin na yan ang nagturo sa'kin kumpano pahalagahan kung ano lang ang meron ako. Ang arte ko diba? Ganito kasi yun...

Minsan, sinama ako ng mga badinggerzi friends ko sa pagkalayu-layong sulok ng Naic, Cavite para magliwaliw at malamang para makakita ng mga lalaking malalandi ng bonggang bongga. 35 na piraso yata kami ng lalamunan na gustong makahada ng provincial meat at nag-promise kami na hinding-hindi namin hahadahin ang isa't-isa dahil nakakalason yun. Kung kasing-gwapo at sarap siguro ni Christiano Ronaldo at ni Chord Overstreet yung 34 na kasama ko ay nag-Darna costume na ako kahit pa bumakat sa harapan ko ang aking tinidor na pantusok!

Ewan ko ha, 'pag nagsama-sama kasi ang mga dyosa ng karagatan at kagubatan ay talaga namang talo ang sampalan ng mga maka-masang guests ng Face to Face ng TV5. Kasama namin sa riot na yan ang mga nagtatagong mga prinsesa ng aparador na hindi makakembot sa Maynila dahil baka barilin ng mga tatay nila. Kasama rin ang mga pamintang semikalbo na akala mo mananapak sa kalye pero kung makangiti sa salamin, nakupow! talo pa si Cameron Diaz! Kasama rin ang mga mukhang parloristang naubos na yata ang mga kalalakihan sa kanto at kabilang baranggay, pati na rin ang mga poging bading na athletic daw pero muscular lang naman pala talaga. At ang huling karosa sa santakrusang ito ay ang mga nagdadaliginding pa lang na mga badeklavers na akala mo hurno ng giniling yung lalamunan. Sa gilid ng karosa ay ilang mga straight-kuno na bitbit ng mga baklang nagmamaganda. Teka, saan ba ako kasama dun?

Sa dami naming yun, siyam sa'min ang hindi makakasakay sa serbis. So kelangan naming mag-commute.

Enter da dragon ngayon ang super-rare Kaplastican-Mode ko kasi di ko talaga type yung isa naming kasama. Chaka, Chamyto + Attitude kasi yung isang yun. Pero, at super nakakainis talaga, may kasama syang isang really cute, semikalbo, at super hot guy, at hindi namin mapa-amin-amin kung sila ba o hindi. Hindi naman daw talaga sila, sabi ng lalake. Pero iba ang dating ng mga galaw ni lalake. Pay extra attention sya kay chakang Romel (Ayun, nakilala nyo na si panget). Ayoko maging bitter pero kelangan yata nung guy ng bahay na mauuwian at pera na rin kaya dumikit sya sa sapot ng gagamba. Ako yata ay bitter talaga sa part na yun. Pero parang hindi rin naman siguro sya free-loader kasi mukha naman syang matalino & alam kong marami pang ibang options para sa lalaking ganun. Baka rin naman kasi sobrang magalang lang sya kay panget kasi pwedeng utang na loob or something. Pwede ring may kelangan si lalake kay panget kaya ganun na lang ang sweetness nya! DIBA? Ayun, confirmed na nga ang inggit ko!

Nagkakwentuhan din kami ni pogi habang nasa byahe. Gusto kong sabihin na OK sya. Sa bus pa lang, tawa na kami ng tawa. Game na game sya sa lokohan. E bad trip talaga si panget. Hay naku, sa LRT, pumagitna sa aming dalawa si panget, kala siguro nilalandi ko ang kasama nya. Pero kahit tinabunan nya ang view naming sa isa't-isa ay yumuyuko, tinitingnan at kinikwentuhan pa rin ako ni Mac (Yun ang name ni pogi).

Pagdating naman sa bus pa-Naic, nag-standing ovation ang Mac at Romel dahil konti n lang ang mauupuan. Ako ay prenteng-prenteng sumusulyap kung may babakat kay pogi, pero wala naman. Asar. Nung marami nang mauupuan, sa tabi ko tumabi yung lalaki. Wahaha! Si panget, ayun, simangot tudamax, para naghalo ng pangkulam ang mahaderang palaka sa isip nya. Sa isip ko naman, ganun talaga yata pag nakaka-obvious na mas gusto akong kausap nung kasama nya. Pero, promise, wala naman akong balak na manggulo no. Hindi ako mang-aagaw! ECHOS!

Pagdating sa beach, kwentuhan pa rin kami. Matalino nga sya. Maraming alam sa buhay at mukhang pinag-isipan ang mga lumalabas sa bibig. Pero maingat sya kay Romel. Baka kasi isang pagkakamali lang nya ay baka tumambling siya pauwi nang mag-isa. May honesty bang kasama sa friendship nilang dalawa? Trust ba ay isang factor sa dalawang ito? May hindi-ako-maglalandi-kasi-may-magagalit-sa-akin factor? May ano-na-lang-ang-iisipin-ni-Mel-kung-makita-nya-kong-nakikipag-flirt-kay-Raffy factor? Alam nyo, nainggit ako. Nagulat ako kumbakit ang panget na yun ay nakakakita ng ganung uri ng lalaki? Nasaktan ako kasi hindi naman ako panget. Di ko alam kumpano at bakit. Basta. Tiniis ko ang inggit na yun sa loob ng ilang sandali hanggang sa...




Naligo na kami sa beach. Ang maganda sa Naic ay kahit tumambling ka yata ng pagkalayo-layo ay hanggang bewang o hita mo lang yung tubig. Lumayo sina Romel at Mac hanggang sa dulo ng walang hanggang karagatan. Sana nalunod yung panget na yun! Sana sinundo sya ng mga kalahi nyang shokoy at shokeh! Parang gumuho ang libog ko dahil nilalandi ng panget na yun ang bago kong target. Eh kasi naman, grabe, ampogi at sweet talaga ni Mac. Saksak! Tsuk! Tarak!

Pero ito ang nakakaloka, mula sa malayo, alam kong nakatitig si pogi sa'kin. Siguro naramdaman naman nyang may atensyon akong naibigay sa kanya. May ibang kulay ang drinowing kong mga kwento sa kanya. Siguro alam nyang hindi lampas ang pag-color ko sa coloring book nya. Bumalik sya sa pampang, iniwan nya sa pusod ng dagat si Romel, tumabi sya sa'kin at nakipagkwentuhan. Tapos may whisper-in-my-ear moment pa syang nalalaman, yun lang pala e gusto nya ulit bumalik sa tubig. Ayaw nya kay Venus, gusto nya si Poseidon!

Nasa tubig na kami. Lumapit sya, pero hindi masyadong malapit. Maingat talaga. Naka-orange trunks lang ako noon at sya naman ay naka-black sando, yellow boxer shorts at ang bakat na itim na briefs. Ayun! Pumitik ang kalandian ko! Hinubad ko ang aking trunks sa ilalim ng tubig. Hindi nagpatalo ang mokong! Tinanggal din niya isa-isa ang kanyang mga damit!!! Gaya-gaya sya! Nang-aakit! Ako naman, laway na laway na! Nalaglag yata yung panga ko sa tubig at may lumangoy na janitor fish sa loob dahil nangati ang lalamunan ko bigla! Itinaas pa nya sa ere ang mga natanggal nyang damit at OMG!! Kumulo yata yung dagat dahil sa mga nangyari! Nakakapang-init talaga. Nakakalibog kinangina! Naaninag ko ang nasa pagitan ng kanyang malamang hita, ang buhay na lamang kinubabawan ng maitim na kagubatan. Haayy!! Matigas ang hindi dapat tumigas!!

At ayun lang yun.

Alam nyang yun lang ang kailangan ko. Hindi ko sya hinada. Hindi ko ginulo ang buhay nya. Habang si Romel naman ay tinubuan yata ng buntot ng isda sa ulo dahil napakahaba ng hair nya!

Natapos ang gabi, ang umaga at ang tanghali kinabukasan at napakarami pa rin naming napagkwentuhan ni pogi. Hindi na ako lumandi at naghanap ng batutang panghampas.

Pero.

Sana may ganun din akong kaibigan. Yung hindi lang kabastusan ang laman ng usapan. Yung masaya pa rin ako pag-uwi. Yung walang plastikan sa isat-isa. Yung pure silent honesty lang. Yung one look & you'll know may sincerity. I was happy kasi kahit papano, naranasan ko na may ganun palang klase ng kilig. Yung kilig na may kasamang inggit kaya medyo kakaiba.

Naisip ko, nasa ibang tao man ang pinaka-aasam kong bagay, pero hanggang asam lang naman ang pwede kong gawin dahil walang dalawang bagay ang sadyang magkapareho. Kung anung meron ako, yun naman ang hindi ko nabibigyan ng pagpapahalaga. Minsan, darating yung aakalain kong OK na, pero hindi naman pala. Pero kahit na, umaasa pa rin ako. Ang paghihintay man ay masakit na masaya na nakakainis na nakakakilig na nakakalungkot na nakakaiyak, yung idea na baka makuha ko rin ang gusto ko pagdating ng panahon ay sadyang nagpapangiti pa rin sa'kin.

Teka, ako yata yung sinundo nung shokoy. Naiwan ko ang malandi kong puso sa dagat.


Photo from http://acebomb.blogspot.com/2009/10/ace-merman.html